Pagbibigay-oras sa pamilya, ang regalong pinakamahalaga!

BUKAS ay Pasko na at palagay natin ay nakahanda na ang lahat, mula sa mga handa ngayong bisperas, regalong bubuksan sa pagpatak ng hatinggabi, mga kuwento at tradisyong ipamamahagi natin habang ipinagdiriwang ang pagsilang kay Baby Jesus.
Sa mga kapwa natin magulang, ano ang regalo ninyo sa inyong mga mahal na anak ngayong taong ito?
Marahil, pinag-isipan nating mabuti ang mga bagay na nakabalot sa makukulay na papel. Sigurado tayong magbibigay ang mga ito ng matatamis na ngiti sa mga pagbibigyan nito.
Ngunit, bilang magulang, sana ay maalala nating isapuso at isagawa ang pinakamahalagang bagay para sa ating mga anak where we are concerned and that is the gift of our presence in their lives. Siyempre pa, alam nating maraming aalma rito dahil sa hirap ng buhay ngayon, who has enough time for anything, ‘di ba?
Pero, we must always make time for our children. Often, we are so busy with work in the office and housework pagdating naman sa bahay nakalilimutan na natin silang bigyan ng sapat na pansin. Alam n’yo bang napakaraming problema ang maaaring magmula sa kakulangan ng panahon ng mga magulang sa kanilang mga anak?
Madalas, naiisip natin na siguro kung lahat ng mga magulang ay nakapag-spend ng quality time sa mga anak nila kahit hindi araw-araw ngunit, may ilang araw na designated at focused para sa mga bata, maiiwasan natin ang mga problemang concerned ang kabataan ngayon. There are so many issues plaguing our youth today and it is so unfortunate because most of these can be avoided if only we gave ample attention to our children.
Nito lamang, nagkaroon ng isyu tungkol sa bullying sa isang paaralan dito sa Maynila. Sa totoo lang, matagal nang problema ang bullying sa ating mga eskuwelahan. Noong una, wala pa itong label at tila normal lamang na pagbuyuin ang mga bata against each other.
‘Yung tipong ang eskuwelahan ay nagiging environment na dapat handang makipagsapalaran ang ating mga anak kung gusto nilang makalabas in one piece ngunit, mali ito, hindi ba? Children should be placed in an environment that is conducive for learning and to achieve that, the school must nurture them and care for them. Sa umpisa, hindi pa fully developed ang pag-iisip ng mga bata at nasa mga kamay ng mga magulang at ng eskuwelahan ang pagsigurong hindi magkakaproblema along the way.
Isa pa, dapat ang tahanan natin ay maging safe haven ng ating mga anak. They should feel comfortable enough to be themselves and to speak their mind tuwing nasa bahay sila. Dahil kung hindi sila magsasabi sa atin ng mga problema nila, kanino sila hihingi ng tulong?
The bullied and the bullies are all children from where we adults stand. Sana, maalala natin ito. Nasa posisyon tayo upang sila ay pangaralan, gabayan at tulungan upang maging maayos ang kanilang development.
Listen to your children — and when I say listen, I mean really listen to understand and not just hear what is on their minds. Maaaring may senyales na pala ng problema ngunit, hindi natin napapansin dahil sa busy tayo sa ibang mga bagay.
Ngayong Pasko, sana, we make an effort to really know our family, especially our children.





Comments