top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nalalagas ng mga ngipin at namatay

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2018
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Reina ng Reina_Mayor@facebook.com

Dear Professor,

Madalas akong managinip na nalalagasan daw ako ng mga ngipin.

Sa katunayan, kagabi napanaginipan ko na natanggal ang bulok na ngipin ko at pagkakita ko rito ay maraming uod na puti at gumagalaw.

Tapos, nakita ko na patay ako sa aking panaginip, hinihila ako ng bata para lumapit, pagtingin ko sa sarili ko, nagging manikin ako, ano kaya ang ibig sabihin nito?

Kapag nalalagasan ako ng ngipin, madalas ay kasama ko ang aking mister. Sana, masagot ninyo

ito.

Salamat!

Naghihintay,

Reina

Sa iyo Reina,

Malinaw na malinaw na ang iyong panaginip ay nagbababala nang paghina ng kalusugan mo, kaya puwede kang magkasakit ngayon.

Mangyayari lamang ito kung hindi mo pakikinggan ang babala ng iyong panaginip.

Dahil dito, narito ang ilang paalala para sa iyo.

1. Humihina ang immune system dahil sa pagpupuyat.

2. Magkakasakit ang tao dahil wala sa lugar ang kanyang pagdidiyeta.

3. Ang taong kulang sa ehersisyo ay humihina ang pangangatawan.

4. Ang pagkain ng mga walang sustansiyang pagkain ay sanhi ng sangkatutak na karamdaman.

5. Ang kulang sa saya ay nagkakasakit.

6. Ang kulang sa pakikipagsosyalan ay humihina rin ang katawan dahil ang pamamalagi sa loob ng bahay ay sanhi ng pananamlay.

7. Ang kinikimkim ang galit at sama ng loob ay dahilan din ng pagkakasakit.

8. Ang bihirang umawit o kumanta kapag nag-iisa ay puwedeng maging dahilan ng panghihina ng resistensiya.

Maaaring narinig mo na ang lahat ng nasa itaas, maliban lang sa huli. Ang totoo, ang una hanggang sa pampito ay epektibo sa maraming tao.

Pero, kung magkataon na sa iyo ay parang walang bisa ito, ikonsidera mo ang pangwalo.

Umawit ka kapag ikaw ay nag-iisa. Mahirap itong paniwalaan pero magugulat ka na mabisa pala itong panlaban sa anumang karamdaman. Bakit? Dahil “music has a healing properties.”

Muli, umawit ka kapag ikaw ay nag-iisa, kung darapuan ka ng sakit, hindi ito matutuloy at kung may natatagong kang karamdaman, puwede kang gumaling.

Super benificial ang music sa mga taong may mahinang immune system.

Kaya umawit ka kapag nag-iisa ka.

Hindi mahalaga kung sintunado ka o hindi dahil kapag nag-iisa ka, walang makaririnig sa iyo kapag mali ang pagkanta mo at makikita mo na “there is magic in music.”

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page