top of page
Pokwang.jpg

Maligayang Pasko sa lahat ng tagasubaybay ng BULGAR newspaper at online!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2018
2 min read

HINDI LANG BUL­LY STUDENT ANG DA­PAT MAG-INGAT KUNDI PATI ANG PANGULO—Pina­yu­­han ng Malacañang ang mga magulang ng nam-bully na si Joaquin Montes na huwag muna nila itong hayaang makita ng publiko dahil baka gantihan o saktan ito ng taumbayan na nagalit sa ginawa nitong pambu-bully at pananakit sa mga kapwa niya mag-aaral sa Ateneo.

May punto ang Mala­cañang sa sinabi nilang ito, pero sana ay pagsa­bihan din ng mga taga-Palasyo si P-Duterte na mag-ingat din sa publiko kasi sa sobrang taas ng presyo ng mga bilihin, EJK (extrajudicial killings), talamak na korup­siyon, puslitan ng tone-toneladang shabu sa Bureau of Customs, pang-iinsulto sa mga Katoliko, pananakot at pambabastos sa mga taong-Simbahan, pang-aalipusta sa mga santo at pagmumura sa Diyos, eh, sa totoo lang, marami rin ang galit sa pangulo, boom!

◘◘◘

PAGPATAY KAY CONG. BATOCABE, KINONDENA NG MGA PULITIKO, PERO PAG-EJK SA LIBU-LIBONG PINOY, DEDMA LANG —Kinondena ng mga senador at kongre­sista ang pang-ambush at pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

‘Yan ang asal ng mga pulitiko kapag kapwa nila pulitiko ang napa­patay, lalo na at kaalya­do pa nila ang biktima ay may pakonde-kondena silang nala­laman, pero kapag ordi­naryong mamamayan ang pinapatay kahit libu-libong buhay na ang nai-EJK, wala silang paki, mga buwisit!

◘◘◘

KAHIT MAY EBI­DENSIYANG SHA­BU, ‘DAYUNYOR’ NI FAELDON, ABSU­WEL­TO!—Sa kabila na may nakumpiskang sha­bu sa bahay na kinaroro­onan ni Nica­nor Fael­don, Jr., anak ni BuCor Director Nica­nor Fa­eldon, Sr., inabsuwelto pa rin ito sa kaso ng prose­cutor’s office na nasa ilalim ng pama­mahala ni DOJ Sec. Menardo Guevarra

Patunay ‘yan na sobrang lakas ni Fael­don, Sr. sa gobyernong Duterte, pwe!

◘◘◘

MALIGAYANG PASKO PO SA LAHAT NG MGA NAKASU­PORTA SA BULGAR.

Mamayang pagsapit ng alas-dose ng gabi ay Pasko na! Sa mga mam­babasa ng BULGAR newspaper at sa mga nakasubaybay sa BUL­GAR online, Merry Christmas po sa inyong lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page