top of page

Kung sang-ayon sa batas ang pagsasanla ng lupang sakahan kahit may parte sa ani ang tenant nito

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 24, 2018
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Maaari bang isanla ng may-ari ng lupa ang lupang sakahan kahit na mayroon akong parte sa mga aanihin naming pananim? Nais kong malaman ang kasagutan tungkol dito sapagkat mawawalan ako ng parte sa ani kapag nangyari ito. — Tim

Dear Tim,

Para sa inyong kaalaman, ang Section 8 ng Republic Act (R.A.) No. 2263 o mas kilala bilang “An Act Amending Certain Sections of Republic Act Numbered one thousand one hundred ninety-nine, otherwise known as the Agricultural Tenancy Act of the Philippines” ang batas na naaangkop sa inyong sitwasyon

“Section 8. Section twenty-seven of the same Act is hereby amended by inserting the following subsections to be known as subsections (4) and (5):

“Sec. 27. Prohibition to the Landholder:

“(4) The landholder shall not mortgage the share of the tenant in the crop, and any mortgage executed by the landholder on the land and/or its crop shall not affect the share of the tenant in such crop. xxx”

Malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas na hindi maaaring isanla ng may-ari ng lupa ang parte ng tenant sa ani. Bukod pa rito, nakasaad din sa nabanggit na probisyon na ang kasunduan sa pagsanla ng lupa o ani ay hindi makaaapekto sa parte ng te­nant sa nasabing ani o pananim.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page