top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Angkas driver kulong sa shabu

  • Gina Pleñago
  • Dec 24, 2018
  • 1 min read

TIMBOG ang isang Angkas driver na posibleng sa kulungan magdiwang ng Pasko matapos mahulihan ng umano’y iligal na droga sa isang checkpoint sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Nasa detention cell ng Makati City Police ang suspek na si Alfredo Almario, Jr., 35, binata, residente ng Bgy. Singkamas.

Ayon sa Southern Police District, nagpapatupad ng checkpoint operation ang mga tauhan ng Makati Police nang sitahin sa hindi pagsusuot ng helmet ang suspek habang minamaneho ang motorsiklo sa panulukan ng Pasong Tirad St. at Kalayaan Ave., Bgy. Tejeros, alas-3:40 ng madaling-araw.

Tinangka pa ng suspek na lagpasan ang checkpoint at humarurot pa kaya hinabol siya nina PO1 Bautista at PO2 Palacay hanggang sa masakote at makumpiskahan ng isang selyadong pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.

Dinala sa tanggapan ng Station Drugs Enforcement Unit ang suspek at patuloy na iniimbestigahan.

Nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings sa Makati Prosecutor’s Office ang suspek para sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page