‘Ika nga new year, new life, new job...TIPS KUNG PAANO MAKASU-SURVIVE SA FIRST DAY SA TRABAHO

CONGRATS dahil natanggap ka sa trabaho, beshy! Pero, kung kinakabahan ka sa iyong bagong trabaho, huwag kang mag-alala dahil narito ang ilang bagay na dapat mong gawin sa iyong first day:
1. SHOW UP EARLY. Marami ang nakalilimot nito ngunit, ang pagdating ng 10 hanggang 15 minuto bago ang iyong schedule ay malaking bagay.
Una, makikita ng iyong boss na seryoso ka sa bago mong trabaho. Pangalawa, sa ilang minuto na ito, puwede mo pang gawin ang ilang bagay tulad ng pagpunta sa C.R. at pagre-retouch.
2. TAKE NOTES. Siguraduhin mong mayroon kang dalang notebook, papel at ballpen upang makapag-notes ka.
Huwag kang mahiyang magsulat ng notes dahil tiyak na magagamit mo ito sa ibang pagkakataon.
3. BE OBSERVANT. Maging mapagmatyag ka, beshy. Gayunman, para makapag-adjust ka sa iyong paligid, subukan mong obserbahan ang iyong mga katrabaho kung paano sila makipag-usap at kumilos.
Sa ganitong paraan, malalaman mo kung ano ang mga hindi at dapat mong gawin.
4. AVOID SOCIAL MEDIA. Kung wala kang magawa, beshy, huwag kang mag-social media. Ang madalas na paggamit ng social media sa oras ng trabaho ay hindi magandang gawain lalo na kung hindi naman ito kailangan.
Mabuting mag-tanung-tanong ka kung ano ang puwede mong gawin habang bakante ang oras mo.
5. BE POSITIVE. Kung napasabak ka kaagad sa unang araw mo, huwag mong kalilimutang maging positibo nang sa gayun ay magawa mo ito nang tama, gayundin, bumati at ngumiti ka sa iyong mga katrabaho.
Oh, ayan, mga beshy, gawin n’yo lang ang mga bagay na ito nang sa gayun ay maging successful ang unang araw n’yo sa trabaho. Good luck, beshy! Copy?





Comments