Walang panregalo sa mga inaanak NINANG NAGNAKAW NG MGA DAMIT AT PABANGO, KULONG
- Paul Lamsen
- Dec 23, 2018
- 1 min read
NAKAPIIT ang isang ginang makaraang maaktuhang nagnanakaw ng mga panindang damit sa isang baratilyo sa Dagupan City, Pangasinan.
Nakilala ang nadakip na si Marlyn Austria, nasa tamang edad, may asawa at naninirahan din sa nabanggit na lugar.
Ayon sa pulisya, bandang hapon nang makita ng mga tauhan ng baratilyo ang ginang na nagnanakaw ng mga damit at pabango kaya agad itong dinakip.
Nabatid sa ginang na walang trabaho ang kanyang mister kaya nagnakaw siya gawa ng walang panregalo sa mga inaanak at mga pamangkin.





Comments