top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Tserman niratrat ng 3, todas

Levi Gonzales
Dec 23, 2018
1 min read

DEDBOL sa tatlong armadong lalaki ang isang barangay chairman matapos barilin sa kanyang bahay sa Bgy. Panghayaan, Taysan, Batangas.

Pasado alas-7:00 ng umaga habang nasa garahe ang biktimang si Eduardo Panganiban, 59, may asawa, nang sumulpot ang tatlong suspek.

Agad siyang binaril ng mga ito sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan saka tumakas.

Dali-daling isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit, idineklarang dead-on-arrival.

Puspusan naman ang pagtugis ng mga kapulisan sa mga responsable sa krimen.

Sumisigaw naman ng katarungan ang kaanak ng biktima sa sinapit nito at posible umanong may kinalaman sa politika ang motibo sa pagpatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page