top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Poster, nagkalat na… LITO LAPID, GAMIT NA GAMIT SA PAGTAKBO SA 2019 ANG SERYE NI COCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2018
  • 1 min read

MAY nagsusulong ng Anti-Political Dynasty Bill sa Kongreso na naglalayong pigilan na ang pagkan­didato ng mga magkakapamilya sa iba’t ibang posisyon.

Marami ang tumututol sa ganitong kalakaran at sistema dahil hindi raw nabi­bigyan ng chance ang ibang kandidato na makapagsilbi. Umiikot na lang daw sa pami-pamilya ang pamamahala sa puwesto.

Si Bacoor Mayor Lani Mercado na dating congresswoman ng lone district ng Bacoor ay may naging opinion at pahayag hingil sa isyu ng political dynasty na tinututulan ng ilan.

Ang biyenan niyang si Ramon Revilla, Sr. ay naging senador, ganu’n din ang mister niyang si Bong Revilla, Jr.. Ang anak naman niyang si Jolo Revilla ay vice-governor ng Cavite.

Congressman si Strike Re­villa na kapatid ni Bong, at kon­sehala ng Bacoor si Rowena Bautista-Mendiola na isa sa mga Revilla sisters.

Nasisilip ang political dynasty sa Revilla family na may kani-kanyang puwesto. Pero, sey ni Mayor Lani, ang mga tao (botante) naman ang pumipili at bumoboto sa mga kandidato.

Maayos na nakapagde-deliver ng serbisyo sina Bong, Strike, Jolo at Rowena, ganu’n din si Mayor Lani, kaya gusto sila ng mga tao at inilalagay sa puwesto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page