top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Para siyang inagawan ng bituin… AKTOR, LATE NA NGANG DUMATING SA TAPING, GALIT-GALITAN AT ABURIDO PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2018
1 min read

BLIND ITEM:

NAGTATAKA ang mga reporters kung bakit patuloy na kinukuha ng isang network ang isang aktor sa mga shows nila kung sakit naman ng ulo at problema ang ibinibigay nito sa taping.

May bagong soap ang aktor at dating gawi raw ito na dumarating nang late sa taping at para hindi masita, kunwari ay galit na darating, nakasimangot, hindi makausap at tuluy-tuloy sa tent kung saan siya naka-assign.

Lumalabas na lang ang aktor ‘pag tinawag na para sa eksena niya at pagkatapos, diretso na uli sa tent niya. Obvious na umiiwas makipagkuwentuhan sa staff para hindi masita kung bakit siya na-late.

Ang hindi ma-take ng staff, late na ngang dumating sa taping, nagmamadali pa ang aktor na tapusin ang kanyang mga eksena. Sabi tuloy ng staff, sana ay hindi na lang niya tinanggap ang soap para hindi siya lumalabas ng bahay at hindi na siya nagagalit.

May ginawa pa ang aktor sa last soap nito. May eksenang barilan at sinabihan siyang ‘wag ubusin ang bala sa hawak na baril. Hindi nakinig ang aktor, inubos pa rin ang bala ng baril na ikinaloka ng staff, pero wala na silang nagawa.

Pero, kung titingnan ang photos ng aktor sa pictorial at sa BTS ng taping, laging nakangiti at mukha namang masaya na nagtatrabaho. So, saan galing ang “aburido look” niya ‘pag dumarating sa taping?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page