Paalala sa lahat: Pagpo-post sa social media tungkol sa pagbabakasyon ngayong Holiday Season, huwag
- BULGAR

- Dec 23, 2018
- 1 min read
NAGSISIMULA ng magbakasyon ang ilan sa ating mga kababayan kung saan ang iba ay umuwi na sa kani-kanilang pamilya para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.
Gayunman, para mas masiguro ang seguridad ng publiko, nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) na mag-ingat sa pagpo-post sa social media ng update tungkol sa kinaroroonan o ginagawa natin sa araw-araw.
Ito ay sa kadahilanang maaari itong magamit ng mga kawatan para gumawa ng iligal na aktibidad tulad ng pagnanakaw, pag-aakyat-bahay at marami pang iba.
Ayon sa PNP, mas mainam na lagyan ng level of security ang social media, gayundin, gawing private ang pagbabahagi ng mga larawan o update upang hindi mabiktima ng mga masasamang-loob.
Samantala, kung hindi maiiwasang mag-post, i-delay na lamang ito ng oras o araw nang sa gayun ay hindi matunton ng ibang tao, lalo na ‘yung mga hindi natin kakilala.
Dagdag pa rito, siguraduhing bago umalis ng bahay ay may taong pinagbilinan para itsek ito.
Kung nagpo-post naman ng live video na usung-uso ngayon, ibahagi ito sa mga kaibigan at huwag isapubliko.
Mas masaya ang bakasyon kung pagbalik natin sa ating bahay ay hindi tayo nalooban at nagawan ng masama ng mga kawatan.
Kaya ang paalala natin sa lahat, magsaya, pero mag-ingat!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments