Nakawan sa AFP, posibleng kontrolado ng mataas na opisyal?! Hmmm…

KUMALAT nang husto ang video kung saan ipinakita ang isang mag-aaral mula sa Ateneo na isa rin umanong taekwondo champion na nanuntok at nanipa ng kapwa mag-aaral. Ito ang kadalasang problema sa paaralan — bullying. Malinaw ang naganap, kung bihasa sa martial arts ang estudyante na nanghamon ng away, hindi niya ito dapat ginagamit para maging maton sa paaralan. Hindi niya ito dapat ginagamit para manakit ng mga kaklase o sinuman. Sigurado tayong itinuturo ang martial arts para ipagtanggol ang sarili o ipagtanggol ang naaapi.
Tumanggap ng kritisismo ang Ateneo de Manila dahil sa kanilang tila “pandededma” umano sa naganap na insidente ng bullying gayundin, pinabayaan daw ang mga mag-aaral na ayusin ang kanilang problema. Gayunman, naglabas ng opisyal na pahayag ang unibersidad na seryoso sila sa isyu ng bullying at iniimbestigahan nila ang insidente. Hindi natin alam pero, ano pa ba ang kailangan nilang ebidensiya gayung may kumalat nang video sa social media? Ang payo ni DFA Sec. Teddyboy Locsin sa mga magulang ng batang inapi, sila na lamang daw ang kumilos laban sa nam-bully. Hindi natin makuhang pan ang pahayag ni Sec. Locsin dahil apat ang kapatid nating lalaki, bagama’t, pumanaw na ang isa, pero alam nating kung may inapi sa kanila ay kikilos ang tatlo. Gan’un lang noong araw, iba na nga siguro ang panahon ngayon.
◘◘◘
May nangyari nga bang nakawan sa armory ng AFP at umaabot na sa kamay ng kalaban ang mga armas at sandatang nawala? Ito ang iniimbestigahan ng AFP dahil sa nadiskubreng mga armas at sandata mula sa dalawang suspek sa Mindanao na may mga marka ng AFP. Nalaman na mula sa Fort Magsayasy, Nueva Ecija ang mga karton ng armas.
Sinigurado ng AFP na mahigpit ang kanilang pag-imbentaryo ng mga bala at armas pero dahil sa nadiskubre mula sa mga gunrunner sa Mindanao, mas magiging mahigpit pa ang kanilang pag-imbentaryo. Pero, magagawa ba ang pagpuslit na walang basbas ng mataas na opisyal ng AFP? Mailalabas ba ang mga kartun-kartong armas at sandata kung walang utos o “bilin” mula sa matataas na opisyal? Nagtatanong lang.





Comments