Hirit ni P-Duterte, kumalat | NAM-BULLY SA ‘KIN, BINARIL KO!


KASABAY ng mainit na isyu sa naganap na pambu-bully sa Ateneo Junior High School, kumalat ang mga naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa dinanas din umano nito sa kaklaseng bully.
Ayon sa pangulo, 1972 at nasa kolehiyo siya noon nang mangyari ang pambu-bully sa kanya sa San Beda.
Madalas umano siyang kutyain dahil sa kanyang pagiging Bisaya.
Hanggang sa mapuno umano siya at binaril ang kanyang brother sa fraternity sa loob mismo ng campus.
“I was graduating student at San Beda when I shot a man. I waited for him, I told myself I’ll teach him a lesson. I said you son… If I get hit I will shoot you. I was hit in the nose. Ahhh! Bang,” ani Pangulong Duterte.
Tinamaan umano ito pero, hindi namatay at dahil sa insidente, hindi umano nakasama sa graduation rites ang pangulo. (BRT)





Comments