Hamon sa supermarket, nagkakaubusan na, pinakyaw ng mga gustong ma-high blood, ngek!
- BULGAR

- Dec 23, 2018
- 1 min read
NAM-BULLY daw ang isang high school student sa kanyang kaeskuwela.
Paano ‘yan parehong menor-de-edad?
◘◘◘
MARAMI nang ninong at ninang ang nagsipag-abroad.
Hindi na sila masusundan ng kanilang mga inaanak!
◘◘◘
PANAY ang praktis ng karoling ng mga paslit.
Nagpapanggap na silang badjao!
◘◘◘
NAUUBOS na ang hamon sa supermarket.
Pinakyaw na ng mga nais ma-high blood!
◘◘◘
MARAMI ang naoospital.
Karaniwan sa kanila ay mga ninong at ninang na walang datung!
◘◘◘
MAGSANAY daw ng martial arts para hindi ma-bully.
Oh, eh, di sila naman ang mambu-bully!





Comments