Ginagawang gatasan | ROAD BOARD, BUWAGIN! — DIGONG

TINULDUKAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin kaugnay sa pagbuwag o kung mananatili ang Road Board makaraang magbanggaan ang Senado at Kamara kaugnay sa posisyon dito ng Punong Ehekutibo.
Ayon kay P-Duterte, nagkamali ng interpretasyon sa kanyang posisyon si House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. kaugnay sa pagbuwag ng Road Board na siyang nangangasiwa ng road users’ tax.
Inamin din ng pangulo na totoong kinausap niya sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Andaya pero, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil matagal na niyang gustong buwagin ang Road Board.
Dahil dito, sinuportahan ng pangulo ang posisyon ng Senado na lusawin na ang Road Board na aniya’y ginagawang gatasan lamang umano ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
“I side with the Senate, and if it comes to a constitutional controversy, the Executive department will side with the Philippine Senate and its interpretation of the law that the process has been completed; that it has been sent to the Senate for approval and on time it was signed,” ani P-Duterte sa kanyang talumpati sa change of command ceremony sa Philippine Air Force sa Pasay City.
Giit ng pangulo, mula pa lamang nang maluklok siya sa kanyang puwesto noong June 2016, isinusulong na nito ang pagbuwag sa Road Board.
“Ever since, I’ve really questioned the existence of this office. It’s nothing but a depository of money and for corruption,” pahayag ni P-Duterte kung saan kailangan aniya na ibalik na lamang ang paniningil ng road user’s tax sa Department of Public Works and Highways sa halip na pangasiwaan ito ng Road Board.





Comments