6 tiklo sa drugs
ANIM katao ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 9, kahapon ng madaling-araw sa Malate, Manila.
Kinilala ang mga suspek na sina Rustom Day, 25, ng Bgy. 704, target ng buy-bust operation.
Kasama nitong inaresto sina Jaime Oca, 50; Arlene Lopez, 29; Joan Briones, 43; Gelly Rose Cristy Bigger, 31, at Marlon Silas, 25.
Ayon kay PS/Insp. Gil John Lobaton, target ng kanilang operasyon si Day pero, nang isagawa ang buy-bust ay nasa lugar ang iba pang naaresto na hinihinalang humihitit ng marijuana at shabu.
Narekober sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu, isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at isang glass tube na may bakas ng sinunog na marijuana.





Comments