3 sasakyan nagkarambola, mag-asawa dedbol
NASAWI ang mag-asawa sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan sa Esperanza, Sultan Kudarat.
Sangkot sa naturang aksidente ang Toyota Avanza, Mitsubishi Estrada pick-up at 6-wheeler Fuzo Canter truck.
Nakilala ang mga biktima na sina Herson at Gio Matunding na kapwa sakay sa Avanza.
Nasa labing-isa naman ang nasugatan na sina Vincent Mark Bablos, Maria Socias, Benjie Biaca, Marivic Alcano, Marga Quintos, Ken Quintos, Josefina Puentoba, Danny Vicente, Vever Tomandang, Ernesto Gulmatico at Victoriano Gulmatico.
Ayon kay Police Supt. Aldrin Gonzales, patungo sa Cotabato City ang mag-sawa nang maipit sa banggaan ng dalawang sasakyan sa nabanggit na lugar.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang naging sanhi ng karambola.





Comments