top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Worried na tuluyang mauwi sa diabetes ang kanyang prediabetes

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2018
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Nais kong malaman kung ano ang risk factor na magkaroon ng diabetes? Sinabihan kasi ako ng doktor ko na mayroon daw akong prediabetes na posible raw mauwi sa diabetes. — Milagros

Sagot

Narito ang mga risk factor para sa diabetes:

• Kamag-anak na may diabetes — maaaring magkaroon ng diabetes kung may diabetes ang mga magulang o kapatid.

• Kulang sa ehersisyo — ang pagkilos ay nakatutulong para hindi maging overweight. Ang asukal sa dugo ay natutunaw din at nagagamit ng muscles natin kapag tayo ay kumikilos kaya nababawasan ang insulin resistance.

• Edad — mas tumataas ang risk para magkaroon ng diabetes habang tumatanda. Magpatingin sa doktor kapag umabot ng edad 40 pataas.

• Abdominal obesity — may mga taong malaki ang mga baywang dahil sa taba na nakadeposito rito, ang abdominal fat. Mas nanganganib magkaroon ng diabetes kung may abdominal obesity o labis na abdominal fat.

• Gestational diabetes — ito ay diabetes na natuklasan habang buntis. Karaniwan itong nawawala pagkatapos manganak. Dapat magpa-check-up ng oral glucose tolerance test (OGTT) 6-8 linggo pagkatapos manganak. Kahit ito ay mawala, ang babaeng nagkaroon ng gestational diabetes ay maaaring magkaroon ng Type 2 diabetes sa loob ng lima hanggang sampung taon pagkatapos manganak.

• Polycystic ovary syndrome (PCOS) — isa itong kondisyon ng kababaihan kung saan ang babae ay overweight at hindi regular ang regla. May insulin resistance sa PCOS kaya puwede ring magkaroon ng diabetes.

• Prediabetes — ito ang kondisyon kung saan ang asukal sa dugo ay mas mataas sa normal, pero kulang sa taas para tawaging diabetes na. Sa fasting blood sugar, ito ay kung ang resulta ay nasa 100-125 mg/dL (5.6-5.9 mmol/L) or sa oral glucose tolerance test 2 hours result naman ay nasa 140-199 mg/dL (7.8-11.0 mmol/L). Pinapayuhan ang mga may prediabetes na mag-diet at mag-ehersisyo upang bumaba ang asukal sa dugo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page