Trike driver binaril, tigok
- Levi Gonzales
- Dec 22, 2018
- 1 min read
PATAY ang isang tricycle driver makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. San Miguel, Sto. Tomas, Batangas.
Ayon sa inisyal na ulat, alas 7:15 ng hapon, nakaupo sa kanyang pampasaherong tricycle ang biktimang si Armando Rianzarez, nang lapitan ito ng suspek.
Agad siyang binaril nang malapitan sa iba’t ibang bahagi ng katawan saka tumakas.
Nadala pa ito sa pagamutan ngunit, hindi na umabot ng buhay habang patuloy ang pagsisiyasat sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek.





Comments