Panelo, kung makahirit sa kaso ng estudyanteng nam-bully, akala mo hindi bully ang amo, hmmm...
- BULGAR

- Dec 22, 2018
- 1 min read
KUNG MAKAPAGSALITA SI PANELO, PARANG HINDI BULLY ANG AMO NIYANG SI P-DUTERTE —Nanawagan si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Ateneo de Manila na gumawa agad ng aksiyon tungkol sa insidente ng pambu-bully at pananakit ng Ateneo student na si Joaquin Montes sa mga kapwa niya mag-aaral sa eskuwelahang ito.
‘Sus, kung makapagsalita si Panelo, parang hindi nambu-bully ang amo niyang si P-Duterte, boom!
◘◘◘
MISS UNIVERSE 2018 CATRIONA GRAY, MAY PAGPAPAHALAGA SA BUHAY NG MGA BATA, PERO KAY P-DUTERTE, WALA—Kung si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay nagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa buhay ng mga batang maralita, hindi si P-Duterte.
Tandang-tanda pa kasi ng publiko ang sinabi ni P-Duterte at nabalita pa sa buong mundo na para sa kanya “collateral damage” lang ang mga batang napapatay sa kanyang drug war, hu-hu-hu!
◘◘◘
P-DUTERTE, GALIT SA SIMBAHAN AT HINDI SA KORUP — Nitong mga nakalipas na araw, sunud-sunod na naman ang atake ni P-Duterte sa Catholic Church, mga Obispo at pari.
Ang kapuna-puna, habang inaatake ni P-Duterte ang mga taong-Simbahan ay dedma lang siya sa kaliwa’t kanang korupsiyon na nagaganap sa kanyang administrasyon.
D’yan makikita na ang pangulo ng Pilipinas ay sobrang galit sa Simbahan, pero “nganga” sa mga korup, buwisit!
◘◘◘
NAKASAMA PA YATA ANG PAGDOBLE SA SUWELDO NG MGA PULIS KASI NAGING SUGAROL SILA —Tatlong pulis na sina SP02 Jeofrey Furigay, SP01 Elwood de Leon at P03 Agapito Iringan ang nahuli sa aktong nagsusugal sa illegal online cockfighting sa Tuguegarao City.
Tila nakasama pa yata ang ginawang pagdoble ni P-Duterte sa suweldo ng mga parak kasi nagkaroon sila ng sobrang pera para makapagsugal at maging sugarol, buwisit!





Comments