P.90 rollback sa gas
MAY napipintong muling oil price rollback sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng matapyasan ng 85-90 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel at 80-85 sentimos naman sa gasolina.
Magkakaroon pa ng pagbabago ang nasabing price rollback depende sa magiging resulta ng trading sa susunod na araw.
Malimit magpatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis tuwing Martes.
Nitong Disyembre 18, huling bumaba ng 25 sentimos ang presyo ng diesel at kerosene habang 10 sentimos naman sa gasolina.





Comments