Information campaign sa Bangsamoro Organic Law, paiigtingin-Comelec

MAS paiigtigin pa ng Commission on Elections ang information campaign para sa idaraos na plebisito sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law sa susunod na buwan.
Paliwanag ni Comelec Spokesperson James Jimenez, isa sa mga nakikita nilang misconception sa plebisito ay ang pangangailangan pa ng mga botante ng identification card sa gagawin nilang pagboto.
Agad namang nilinaw ni Jimenez na hindi na kailangan ng ID sa gagawing pagboto at sa halip ay dapat lamang na magtungo sa polling area.
Ang plebisito para sa BOL ay nakatakdang idaos sa Enero 21 at Pebrero 6, 2019.
Layon nitong matukoy kung maraming residente sa mga lalawigan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pumapayag na tuluyan nang buwagin ang ARMM at maitatag ang Bangsamoro Region.





Comments