HEAT, TINUSTA ANG ROCKETS, CLIPPERS, INISAHAN ANG MAVS
- BULGAR

- Dec 22, 2018
- 1 min read

KAPOS pa ang naging laro ni James Harden upang bitbitin ang Houston Rockets laban sa Miami Heat, 99-101 sa NBA game kahapon.
Nasayang ang naitalang 35 points at 12 assists ni Harden para sa Rockets upang mahinto ang five-game winning streak. Humina rin ang Rockets dahil wala sa laro si point guard Chris Paul dahil sa left hamstring at kailangang sumailalim sa MRI si Paul ngayong Sabado para mabatid ang kalagayan niya.
Malabo ring masabi ng team kung gaano kahaba ang magiging pahinga ni Paul bago uli makapaglaro.
Nanguna si Josh Richardson sa team ng Heat na nakapagtala ng 22 points habang may 19 na idinagdag si Tyler Johnson. Bitbit na ng Miami ang pangunguna sa 16-points sa unang bahagi ng laro bagamat nadikitan sila sa scoring bago makabawi uli at nagwagi. Susunod na haharapin ng Rockets sa Linggo ang San Antonio Spurs, habang ang Heat ay susubukin ng Milwaukee Bucks.
Sa iba pang laban, napatigil ng Los Angeles Clippers ang kanilang four-game losing skid makaraan ang 125-121 panalo kontra Dallas Mavericks. Umasa ang Clippers kay Danilo Gallinari sa pagposte ng 32 points, maging kay Lou Williams na lumagare ng 26. Sayang at hindi umubra ang season-high na 32 points na ginawa ni rookie Luka Doncic para sa Mavs. (MC / ATD)





Comments