top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hamon sa pamunuan ng Ateneo | Kaso ng bullying sa ekuwelahan, talupan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2018
  • 2 min read

“NO TO BULLYING”!

Sa nakapanggagalaiting viral video hinggil sa junior high school na estud­yante sa Ateneo de Manila University, kani-kanyang opinyon ang netizens sa social media dahil sa ginawa nito.

Sa nasabing video, kitang-kita kung pa­ano pinagtatadyakan, sinuntok, ina­ngasan at binully ng estudyante na kilala bilang black­belter sa taekwondo ng kan­yang mga ka­eskuwela.

May scenario pa kung saan pinahali­kan niya ang kanyang sapatos at tina­nong sa kanyang binu-bully kung dig­nidad o bug­bog ang gusto nitong piliin na ipagawa sa kanya.

Gayunman, kahit kailan hindi na­ging tama na gamitin ang kakayahan para saktan ang ibang tao, lalo na ‘yung mga wala namang ginagawang masama sa’yo.

Matatandaang, matagal ng problema sa bansa ang bullying, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutuldukan, ang malala pa rito, pabata nang pabata ang nasasangkot kaya nakababahala talaga.

Oo, madaling sabihin na maaaring may pinagdaraanan ‘yung batang na­nakit, pero kung ilalagay natin sa sit­wasyon ang ating sarili bilang biktima o ang mga mahal natin sa buhay, halim­bawa ng ating mga anak, hin­di talaga ito makatarungan at hindi dapat ito ipag­sawalambahala.

Samantala, bilang mga magulang, tayo ang may pinakamalaking responsi­bilidad sa pag-uugali ng ating mga anak kaya tayo dapat ang unang-unang nag­tuturo sa kanila ng magagandang-asal.

Dahil sa loob ng unibersidad nangyari ang insidenteng ito, responsibilidad ni­lang pro­teksiyunan ang kanilang mga mag-aaral.

Hindi ba, nakatatakot isipin na ‘yung pangalawang bahay na itinuturing nila ay ‘yun pa ang mag-iiwan ng banta at trauma sa kanilang buhay?

Dagdag pa na napakamahal ng ibi­na­ba­yad ng mga magulang, pero wala man lang silang kasiguraduhan na ligtas ang kanilang mga anak sa pinapasukang eskuwelahan.

Kaya ang paalala natin sa lahat, hin­di solusyon ang BULLYING para lang ma­ibsan ang personal na­ting pinag­da­ra­anan.

STOP BULLYING at huwag nating haha­yaang may makaranas pa nito sa iba’t ibang panig ng mundo!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page