top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dating OFW na gustong magsampa ng reklamo laban sa dating ahensiya at employer na hindi nagpapasuwel

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2018
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Dati akong overseas Filipino worker (OFW) na hindi na­pasuweldo nang tama ng aking employer sa abroad at hindi rin ako binigyan ng tu­long ng aking ahen­siya kaugnay nito. Nais ko silang habu­lin sa pa­mamagitan ng pagre­reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) ngu­nit, hindi ko alam kung saang lugar ito nara­rapat isampa. — Matt

Dear Matt,

Para sa inyong ka­ala­­man ang Section 1 (e), Rule IV ng 2011 NLRC Rules of Procedure, as amended, ang panun­tunang naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nabanggit:

“SECTION 1. VE­NUE. a) xxx

e) Cases involving overseas Filipino wor­kers may be filed before the Regional Arbitration Branch having jurisdiction over the place where the complainant resides or where the principal office of any of the respondents is situated, at the option of the complainant. (Binig­yang-diin)

Malinaw sa nabang­git na panuntunan na ang mga kaso kaugnay ng overseas Filipino wor­k­ers (OFW) ay maaa­ring isampa sa Region­al Arbitration Branch na nakasasakop sa lugar kung saan siya nanini­rahan o kaya ay sa lugar na nakasasakop sa pangunahing tanggapan ng agency o respondents. Ang karapatang pumili ng alinman sa dalawa (2) ay nakasa­lalay sa complainant o OFW.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagka­kaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayro­ong karagdagang im­pormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasang­guni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page