Dahil sa ulam | LALAKI NAG-AMOK, KINUYOG, DEDBOL
PATAY ang lalaking nag-amok matapos kuyugin ng mga residente sa Malolos City, Bulacan.
Hindi na umabot ng buhay bagamat, naisugod pa sa ospital si Joel Santos.
Sa inisyal na imbestigasyon, walang habas umanong nanaga si Santos gamit ang pantabas ng damo at nanaksak gamit ang kutsilyo.
Nagalit ang mga residenteng nakasaksi sa ginawa ni Santos kaya ito kinuyog.
Bago ang pag-aamok, nagkaroon umano ng alitan si Santos at ang kanyang ina na si Juanita Antonio dahil sa ulam.
Bakas pa ang mga pasa sa mukha ni Antonio matapos umanong sapakin ng suspek.
Isinalaysay pa nito na muntik na rin siyang masaksak ng kanyang anak pero, nakapagtago lang ito sa ilalim ng kama.
Sinasabing dati nang nakulong ang suspek dahil sa kasong may kinalaman sa droga at pananaksak.





Comments