BRONER, HINDI INIISMOL ANG LABAN KAY PACMAN
- BULGAR

- Dec 22, 2018
- 1 min read

MAY paghahanda na raw na ginagawa si Adrien Broner sa pakikipagbakbakan niya sa Enero 19, 2019 kay Manny Pacquiao. Hindi niya raw iniismol ang nakatakda niyang laban sa fighting senator dahil kung tutuusin, ito ang ‘biggest fight’ niya sa kanyang buong boxing career.
Bagamat hindi niya napanood ang bakbakang Lucas Matthysse at Pacquiao noong Hulyo, naghahanda naman daw siyang mabuti dahil iniisip niya isang ‘bata’ at ‘malakas’ pang Pacquiao ang kanyang makasasagupa na ‘mabilis’ at ‘nagpapatumba na southpaw.’ Sa MGM Grand sa Las Vegas ang bakbakan ng dalawa. (MC)





Comments