top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BATAAN, PINASUKO ANG RIZAL KYUSI, NAKAKABAWI SA MPBL

  • MC / Alvin Olivar
  • Dec 22, 2018
  • 1 min read

GINIBA ng Bataan ang Rizal sa mapisikal na engkuwentro noong hatinggabi ng Huwebes habang nagparamdam ng lakas ang Quezon City sa MPBL Datu Cup sa Blue Eagle Gym sa Ateneo.

Matapos ang 14-game winning streak, umangat ang Bataan at bigyan ang Rizal ng pahirapang laban, 88-74.

Nang magbalik sa win track, umibayo ang Zetapro-backed Risers sa win-loss record na 15-2 at patatagin ang solong liderato sa torneo ni Senator Manny Pacquiao kung saan si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang commissioner.

Ito ang ika-13th loss sa 18 games para sa Xentro Mall-supported Crusaders, nang talunin ng Risers ang Crusaders nang walang kahirap-hirap. Samantala, kinakailangan ng Q. C. Black Mamba Capitals na kunin ang panalo sa bisa ng last-minute heroics ni Peejay Barua laban sa Laguna Heroes-Krah, 85-80 sa second game.

Limang krusyal na puntos ang ibinigay ni Barua sa huling 56 segundo para sa 3rd straight win ng Capitals at palakasin pa ang tsansa sa regional amateur basketball league.

Bumanat ng tres ang dating La Salle standout. Pinalamang niya ang Capitals sa 56-second mark final period, 79-76.

Ang huling basket sa game ang sumelyo sa panalo ng Quezon City, na umibayo sa 6-8 mark ang win-loss record at umusad sa 6th standings ng Northern Division.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page