top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

ATENEO ‘BULLYING’ INCIDENT, SISILIPIN NG PHL TAEKWONDO

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2018
1 min read

MAGKAKAROON ng sariling imbestigasyon ang Philippine Taekwondo Association (PTA) para maba­tid kung isa ngang taekwon­do practitioner ang junior high school student na involved ngayon sa isyu ng pambu-bully.

Ang video kasi ng pagga­mit niya ng martial arts at sinasaktan ang ibang tao ay kumalat na sa mga social me­dia sites. Sa pahayag ng national federation, rerespetu­hin nila ang anumang igaga­wad ng kaparusahan ng Ateneo de Manila Junior High School sa nabanggit na estudyante pero nakabatay pa rin sa result ang kanilang pag-iimbestiga ang desisyon kung babawian siya ng belt.

Mayroon kasing larawan din na nag-viral bukod sa nabanggit na video na maki­kitang suot ng bata ang dobok na uniporme ng mga Korean martial artists. Sa iba pang video ay nakita rin na may pinaluhod siyang isang estudyante at pinasasabihan ng ‘bobo ako’ habang aktong babanatan niya ito. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page