top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

P-Duterte, ang tsismosong presidente, bow!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2018
2 min read

MAS DETALYADO ANG DATA NG PNP KAYSA SA NGAK­NGAK NI CHONG SA “CAINTA SHOOT­OUT”—Mas detalyado pa ang data ng PNP sa naganap na “Cainta shootout” kaysa sa ngak­ngak ni ex-Congressman Glenn Chong na tinortyur bago nirat­rat daw ng kapulisan ang aide niyang si Richard Santillan.

Ayon sa PNP, si Santillan ay miyembro ng “Highway Boys” na sangkot sa drug trafficking, gunrunning, robbery at pagpatay kay Cainta Police Deputy Chief Jimmy Senosin noong Feb. 2018 at ang baba­eng napatay din sa eng­ku­wentro na si Gessa­myn Casing ay pinsan ng gang leader na si Jun Augis.

Sina Santillan at Ca­sing, ayon sa PNP ay lu­lan ng sasakyan ni Chong nang magtungo sa bahay ng erpat ni Jun Augis na si Fred Augis sa Block 3, Westbank Floodway, Cainta, Rizal at ang shootout ay naga­nap sa Block 3 sa lugar na ito.

Kung pagtatagpi-tagpiin ang data, mi­yem­bro ng “Highway Boys” si Santillan kaya resbak ni PNP-Region 4-A Director Edward Carranza kay dating Congressman Glenn Chong, huwag haluan ng pamomolitika ang isyung ito para siraan ang PNP, period!

◘◘◘

TSISMOSONG PRESIDENTE—Sabi ni P-Duterte, isang pari raw ang namatay sa sakit na AIDS at kung inyong matatandaan, ang paring pinatay noon sa Cagayan, ang sabi ng pangulo ay babaero raw ito kaya pinatay.

Hay naku, sa mga na­ging pangulo, si P-Du­terte lang ang napa­ka­tsismoso, he-he-he!

◘◘◘

KAILAN GAGA­WA NG AKSIYON SI SR.SUPT. ABRAHA­NO LABAN KAY ‘NOY’ SA MGA ILI­GA­LISTA SA REGION?—Hindi lang daw kay “Riki Kiros” na may raket na color games at drop balls sa Angeles City ipinang­hihingi ng payola ni “tongpats” collector “Noy” si CIDG-Region 3 Chief Sr. Supt. Christopher Abrahano kundi pati raw sa “pergalan” (peryahang may suga­lan) nina “Domeng” (San Ildefonso, Bula­can), “Nardo” (Cabana­tu­an City) at “Evelyn” (Dinalupihan, Bataan).

Kaya kapag walang ginawang aksiyon si Sr. Supt. Abrahano laban kay “Noy” at sa mga iligalis­tang ito, eh, alam na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page