Mga obispo na sangkot sa sexual abuse, lagot kay Pope
- Joy Repol Asis
- Dec 21, 2018
- 1 min read
NAGBIGAY ng babala si Pope Francis sa ilang pari at Obispo na gumawa ng hakbang sa mga kaso na konektado sa sex abuse kung ayaw nilang mawalan ng trabaho.
Ayon sa Santo Papa, kung maaari ay hikayatin ang biktima na magsampa ng kaso sa suspek at dapat umano itong personal na tutukan.
Dagdag pa nito, dapat umanong patawan ng kaukulang parusa ang sinumang opisyal ng Simbahan na masasangkot sa anumang uri ng pang-aabuso.
Nakatakdang magpulong ang mga Obispo sa Vatican sa Pebrero 12 hanggang 24 kasama ang Santo Papa.
Responsibility, accountability at transparency ang nakatakdang talakayin sa parating na pagpupulong, ayon kay Vatican Spokesman Greg Burke.





Comments