top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lalo na kung diabetic at high blood ka, lodi! TIPS PARA SA MASAYA PERO HEALTHY NA PASKO, ALAMIN!

  • Donna Thea Topacio
  • Dec 21, 2018
  • 1 min read

‘YUNG lumolobo ka nga sa kabusugan, pero ang tanong, healthy pa ba ‘yan? Naku, for sure, all day cheat day tayo sa araw ng Pasko. Ang tanong, paano nga ba maiiwasan ito? Don’t worry dahil na­rito ang ilang tips para sa inyo sa masaya, pero healthy na Pasko:

1. LEARN TO SAY NO. Hindi porke sinabi ng iba na kainin mo ‘to, tikman mo ‘yan, eh, go ka lang nang go, besh! Naku, kung alam mong hindi mo na kaya o hindi mo gusto ‘yung pag­kain, huwag kang matakot na magsabi ng “no”. Okie?

2. CONTROL. Kon­tro­lin mo ‘yung pagkain mo ng matataba, matatamis at maaalat. Iba-iba man ang lasa n’yan, may kani-kanyang sakit na dulot ‘yan sa ating katawan. Tsk!

3. HAVE AN ALTER­NATIVES. Mag-ekspe­rimento tayo ng iba’t ibang pagkain na sasangkapan na­tin ng mga gu­lay imbes ng karne o mga nakaha-high­blood na pag­kain. Basta make sure lang na masarap pa rin itong kai­nin nang sa gayun ay hindi tayo mapa­hiya sa ating mga bisita.

4. WATER IS LIFE. Kung kilay is life para sa iba, sa atin ay water is life naman. Tubig ang pinakaimportante sa lahat kaya dapat sa bawat kinakain n’yo, eh, umiinom kayo nito para hindi kayo ma-dehydrate at maimpatso. Gets mo? Hi-hi-hi!

5. WATCH YOUR WEIGHT. Huwag natin hayaang lalo pa tayong maging overweight nga­yong Pasko. Marahil, minsan, lang tayong mag­salu-salo nang bongga, pero mas mainam na healthy pa rin tayo pagkata­pos nito, ‘di ba? Kaya para maging masaya, pero healthy ang inyong Holiday Season, mga beshy, maaari ninyong sun­din ang ilang tips na ito. Su­bukan n’yo lang dahil pani­guradong malaki ang maitu­tu­long nito sa inyo. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page