Lalaki ninakawan, pinatay ng 4
Levi Gonzales
Dec 21, 2018
1 min read
Binaril hanggang sa mapatay ng apat na lalaki ang isang magsasaka matapos nilang pagnakawan sa Bgy. Ilayang Palsabangon, Pagbilao, Quezon.
Pasado alas-4:00 ng hapon, nasa bulubunduking lugar ang biktimang si Simplicio Salvanera, 67, may asawa, ng Sitio Kuramot.
Bigla umanong dumating ang mga suspek saka tinutukan ng baril ang biktima at tinangay ang pera at mga cellphone nito bago binaril.





Comments