Kung maaaring magbenta ng contact lenses kahit hindi optometrist

Dear Chief Acosta,
Maaari ba akong magbenta ng contact lenses nang walang grado at nagpapalit lamang ng kulay ng mga mata kahit hindi ako optometrist? — Drew
Dear Drew,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 4(b) ng Republic Act (R.A.) No. 8050 o mas kilala bilang “Revised Optometry Law of 1995” na:
“Sec. 4. Acts Constituting the Practice of Optometry. — Any of the following acts constitute the practice of optometry:
Xxx
(b) The prescription and dispensing of ophthalmic lenses, prisms, contact lenses and their accessories and solutions, frames and their accessories, and supplies for the purpose of correcting and treating defects, deficiencies and abnormalities of vision;” (Binigyang diin)
Malinaw sa nasabing batas na ang pagbebenta ng kahit na anong uri ng contact lens ay ikokonsidera na practice of optometry na lisensiyadong optometrist lamang ang maaaring gumawa.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments