Kapwa estudyante ginulpi, pinaluhod, pinahahalik sa ari | BULLY SA ATENEO, HULI SA VIDEO
- Mylene Alfonso
- Dec 21, 2018
- 1 min read

DALAWANG video ng umano’y pambu-bully sa Ateneo Junior High School ang viral sa social media.
Sa isang video, makikitang binugbog ng isang maliit na lalaki ang kapwa mag-aaral na umiihi sa CR.
Ang nasabing video ay unang nai-post sa Facebook account na Butch Ruiz Baliao.
Kapwa nakauniporme ng Ateneo ang mga sangkot kung saan pinapipili ng maliit na estudyante ang malaking mag-aaral kung bugbog o dignidad.
Kung pipiliin umano nito ang dignidad ay paluluhurin umano ito at pahahalikan ang sapatos at kanyang bayag.
Binilangan niya ito saka pinormahan na aktong susuntukin.
Hanggang sa pinagsusuntok at pinagsisipa na ng maliit na estudyante ang malaking kaeskuwela na dumugo ang nguso bago lumabas ng CR.
Samantala, sa isang video, makikita ang parehong maliit na estudyante habang nakaluhod sa kanyang harapan ang malaki ring estudyante at pinipilit na sabihin ang pangalan at sabihing ‘bobo’ ito sa harap ng camera.
Kaugnay nito, naglabas naman ng pahayag ang Ateneo kaugnay nito. Ayon sa eskuwelahan, patuloy nilang iniimbestigahan ang insidente.
“The video, taken at face value, depicts an evident act of violence that constitutes a serious violation of disciplinary misconduct,” ayon kay Ateneo Junior High School Principal Jose Antonio P. Salvador.
Nakiusap din ang pamunuan ng eskuwelahan na itigil na ang pagkakalat ng video upang hindi maapektuhan ang mga bata lalo pa at menor-de-edad ang mga ito.





Comments