Grabe raw ang trapik ngayong araw sa EDSA,'di ba, araw-araw?

NAG-ABISO ang MMDA na sobra ang trapik sa EDSA ngayong Disyembre 21.
Huh, araw-araw po ang matinding trapik sa EDSA!
◘◘◘
HINDI lang matrapik sa tapat ng MMDA headquarters bago mag-Guadalupe kasi nagbabantay sila nang todo.
Yan ang solusyon, magbantay ang MMDA nang todo sa buong kahabaan ng EDSA.
Pero hindi ‘yan ang kanilang ginagawa.
Maaaring mamasko sila sa mga bus operator!
◘◘◘
MINASTER na ng mga Pinoy ang iskema at sistema kung paano magwagi sa mga beauty contest.
Una, kilalanin ang judges.
Ikalawa, suriin ang criteria.
Ikatlo, i-training ang contestant batay sa tipikal na pagsunod sa criteria.
Ganu’n lang!
◘◘◘
ANG beauty contest ay parang World Boxing Championship na karaniwang nagkakampeon din ang mga Pinoy.
Kabilang ang Pilipinas at founding organizer ng mga boxing body.
Ganyan din sa beauty contest kabilang ang Pinoy billionaires bilang founding organizers ng mga beauty pageant!
◘◘◘
MARAMING mahuhusay na boxing trainers ang Pilipinas.
Marami ring bihasang beauty contest trainers sa Pilipinas!
◘◘◘
BILANG reaksiyon sa ating pangungulit, lilinisin na rin ng MMDA ang Manila Bay.
Hindi ba ipasasarado ang mga establisimyento sa paligid ng Manila Bay?
Kasama r’yan ang U.S. Embassy.
He-he-he!
◘◘◘
PUMAPALAG at patuloy ang “Angkas system” kahit bawal.
‘Yan ang tunay na “motor revolution” laban sa gobyerno!





Comments