Bago aprubahan ang paggamit ng marijuana, disiplina isabuhay muna!

“I’M for it being used for medical use, but not so for recreational use. Because I think, if people will argue then what about alcohol and cigarettes? Everything is good but in moderation”, ganito ang naging sagot ni 2018 Miss Universe Catriona Gray hinggil sa pagpapa-legal ng marijuana kung saan marami ang natuwa at nakatulong pa ito upang pagdesisyunan ng korte ang seryosong paksang ito.
Gayunman, aminado si Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra na kailangan pang pag-aralang mabuti ang hakbang para sa legalisasyon ng medical marijuana.
Aniya, nasa kamay na ng Kongreso ang usapin sa pagli-legalize sa marijuana ngunit, nakahanda umano ang DOJ na tulungan ang Department of Health (DOH) na magbigay ng legal na kaalaman kung sakaling umusad ang panukalang-batas para rito.
Sa katunayan, aprubado na ng Committee on Health ang House Bill No. 6517 para sa legalisasyon nito na gagamitin sa gamot, pero hindi para sa recreation o pansariling kagustuhan lamang.
Samantala, bilang Pilipino nakababahala pa rin ito, lalo na at maraming mamamayan ang sadyang mapang-abuso at walang disiplina.
Marahil, may naitutulong ang marijuana para sa medikal na pangangailangan ng bawat isa, pero mainam kung iisipin pa rin nating mabuti ang consequences na maaaring mangyari o maging epekto nito para sa lahat.
Kaya ang panawagan natin sa mga kinauukulan, gawan pa nang masusing pag-aaral ang pagpapa-legal ng marijuana nang sa gayun ay hindi ito maging dahilan upang mas lalong dumami ang krimen sa bansa.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments