top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 MONTHS SUSPENSION SA ‘DI AWTORISADONG LABAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2018
  • 2 min read

PINATAWAN ng tatlong buwang suspensiyon ng Games and Amusement Board (GAB) sina international fighters Rolando Magbanua at Eugene Lagos bunsod nang paglabag sa Rules and Regulation na itinatadhana ng ahensiya sa professional boxing. Nilagdaan nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Commissioners Mario Masanguid at Atty. Eduard Trinidad ang Resolusyon batay sa ‘Motu Proprio Complaint’ sa pagsuspinde sa dalawang fighters na may petsang Disyembre 17, 2018.

Nauna rito, pinagsumite ng GAB ang dalawa nang pali­wanag hinggil sa kon­trobersyal na kanilang sinang­kutan, ngunit hindi naging katanggap-tanggap ang kanilang depensa sa GAB Board. “The GAB Board una­nimously approved a resolution suspending two professional boxers Rolando (Mag­banua) and Eugene (Lagos). Hindi naman katanggap-tanggap ‘yung depensa nila na hindi nila alam yung regulas­yon ng GAB,” pahayag ni Mit­ra. Batay sa record, nakatak­dang lumaban si Magbanua noong Pebrero 16, 2018 sa Riverside Parkway sa Austell, Georgia, ngunit hindi natuloy bunsod ng kakulangan sa paghahanda at suliranin sa pagkuha ng US visa.

Ayon sa matchmaker ni Magbanua na si Robert Yanez, nalipat ang laban sa Marso 21, 2018, ngunit sa ibang karibal. Hindi ito, pinayagan ng GAB bunsod nang kakulangan sa mga kailangang dokumento.

Ngunit, sa impormasyon na natanggap ng Boxing at iba pang Contact Sports Division ng GAB, na­pag-alaman na tumuloy sa laban si Magbanua na ginanap sa Fantasy Springs Casino sa California, USA sa kabila nang kawalan ng ‘written authority’ mula sa ahen­siya.

“Article 23 of the Rules and Regulations states that ‘before a professional Filipino boxer may be allowed to engage in a title fight or non-title fight abroad, he must secure a written Authority to Fight signed by the Chairman or his authorized Member of the Board or Representative,” pahayag ng dating Palawan Governor at Congressman. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page