3 kulong sa sugal at droga
KULONG ang tatlo katao matapos maaresto sa iligal na sugal at shabu sa Caloocan City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Bernarnad Flore, 36, ng BMBA Compd., Rolando Sibug, 42, at Eroll Rivera, 33, kapwa ng Bagong Barrio.
Alas-12:30 ng hatinggabi nang respondehan ng mga tauhan ng PCP-1 ang tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa grupo na naglalaro ng cara y cruz sa kahabaan ng Panday Pira corner Katarungan Sts., Bgy. 150, Bagong Barrio.
Naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na naglalaro ng cara y cruz na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito at narekober sa lugar ang ilang gambling paraphernalias.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.





Comments