12 SA 2018 PHILRACOM JUVENILE CHAMPIONSHIP

UMABOT sa 12 kabayo ang nagdeklara bilang entry sa 2018 Philracom Juvenile Championship sa Disyembre 31 na gaganapin sa Saddle and Club Leisure Park ng Santa Ana Racing Club sa Naic, Cavite.
Apat na lalaki at pitong babae ang kabilang sa mga kalahok na maglalaban sa 2-year old na may nakalaang papremyo na halagang P2.5-M. Tatanggap ng halagang P1.5-M at trophy ang sino man tatanghaling kampeon at mag-uuwi ng P562,500 ang pangalawa at P312,500 ang pangatlong puwesto at P125,000 sa 4th placer.
Samantala, may nakalaan na P75,000 sa sinumang horse breeder ang mananalong mananakbo. Ang 8 kababaihang entry ay pangungunahan ng Forest Cover, Full of Grace, Lady Mischief, Mona’s Mark, Mood Swing, My Jopay, Obra Maestra at Serafina. Ang apat na barako ay kinabibilangan ng Gatighan Island, Oktubre Katorse, Royal Bell at Toy for the Bigboy.
Samantala, sa pagpapatuloy ng karera sa Santa Ana Park, maaksiyon na tagpo ng bawat laban ng mga kalahok mula Race 1 hanggang Race 7. Sa simula palang ng Winner Take All event sa Race 1, pinapaboran ang Surplus Princess at mga magbabanta na Bowties and Charms, Dixie Storm, All for Mama at Love Affair.
Maglalaban sa Race 2 ang mga kalahok na Wessfacckol, Believable at Vera Cruz mula sa 13 kalahok at pinagpipilian ang dalawang kalahok na Tagpuan at Pious Ashley sa Race 3. Sa Race 4, mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Hiway One, Niccole Girl, Erik the Viking, Real Flames at Wannabe.
Mayroon akong nakikitang puwedeng makatsamba ito ay ang Cabo Negro at Anffairtoremember at Race 5, maglalaban ang Band of Halo at Gee’s Star. Sa race 6, pinapaboran ang Entry no 3 (Si Rookie/Magnificent Seven) at Break and Shine at Race 7 na isama sa paratingan ang Kapangyarihan, Expensive at puwedeng makaulit ang Lirpa’s Choice.
Tip ni Mang Ding Race 1- Surplus Princess (2) Bowties and Charms(3)
Dixie Storm(5) Race 2- Wessfacckol(10),Vera Cruz (13) Race 3-
Pious Ashley (5) Tagpuan (2) Race 4- Hiway One (5) Cabo Negro (7) Niccole Girl(4) Race 5- Gee’s Star (3) Band of Halo(1)
Break and Shine (11) Entry No.3 Race 7- Kapangyarihan (4) Expensive(4)Smart Tyler(11)
WTA(1-7) 2-3-5/10-13/2-5/5-7/3/3-11/4-5
Pick 6(2-7)10-13/2-5/5-7/3/3-11/4-5
Pick 5(3-7) 2-5/5-7/3/3-11/4-5
Pick 4 (4-7) 5-7/3/3-11/4-5





Comments