Para sa mga hikab nang hikab diyan, read n‘yo ‘to, dali! TIPS PARA HINDI ANTUKIN SA SIMBANG GABI, AL
- BULGAR

- Dec 20, 2018
- 2 min read

KAUNTING kembot na lang at Pasko na, imagine, 5 araw na lang — grabe, grabe!
Kumusta ang paghahanda, oks pa ba? Eh, ang pag-attend ninyo sa Simbang Gabi, keri pa ba?
‘Yung feeling na pagpupuyat is real dahil kailangan nating gumising nang napakaaga kahit na late na tayong natutulog. ‘Yung tipong antok na antok na tayo basta mabuo lang natin ito, ‘yun ang mahalaga! Sa ngalan ng ating mga ipinagdarasal at iba pang mga dahilan.
Worry no more dahil narito ang ilang tips para stay awake at focus pa rin tayo habang nagsisimba:
1. HAVE A MINT. Simplehan mo lang, besh! Puwede tayong ngumuya ng mint nang paunti-unti. ‘Yung tipong galawang ninja. Oks ito kasi nakatutulong ang mint para pansamantala tayong magising at ma-refresh.
2. TRY TO AVOID ENERGY DRINKS. Sa totoo lang, nakatutulong ang caffeine para mapanatili tayong gising, gayundin ang energy drink, ngunit, iwasan nating uminom ng mga energy drink dahil maaari tayong makaramdam ng sobrang pagod at pagkairita kaya posibleng hindi tayo maging komportable habang nasa misa.
3. DRINK COFFEE AT THE RIGHT TIME BEFORE YOU LEAVE FOR MASS. Alam n’yo bang aabutin muna ng 10 minuto bago umepekto ang kape sa atin pagkatapos natin itong inumin? 45 minuto naman ang time effect nito sa atin kaya mabuting uminom tayo ng kape nang tama sa oras para ma-enjoy natin ang “full effect” nito, gets?
4. SIT AT THE BRIGHTEST SPOT OF THE CHURCH. Kailangan natin ito, besh, kaya agahan natin ang pagpunta para makapili pa tayo ng puwestong medyo maliwanag. Oks ito dahil hindi tayo aantukin dahil sa kaunting “silaw” effect.
5. DON’T LET YOUR MIND DRIFT OFF. Subukan nating maging alerto as much as possible at pokus lang hangga’t keri, damahin at taimtim nating pakinggan ang mga aral na naririnig natin habang nasa Simbahan. Mag-isip tayo, halimbawa, i-relate natin ang homily sa ating buhay. Ang pag-iisip ay isa sa mga mabisang panlaban sa antok.
‘Ika nga, kapag may gusto tayong ma-achieve sa buhay, kailangan natin ng “extra effort”. Bakit nga ba natin gustong makumpleto ang Simbang Gabi dahil naniniwala tayong kapag nabuo ito ay matutupad ang wish natin o gusto nating sumunod sa tradisyon ng Pasko? Anuman ang mga dahilan natin, as long as gusto mo ito, go lang! Make sure na ginagawa natin ito nang taos sa ating puso.
Okie?





Comments