top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga pulis doblado na ang sahod, nangongotong pa rin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2018
  • 2 min read

DOBLADO NA ANG SUWELDO, PERO ‘TONGPATS’ COLLECTION, TULOY PA RIN—Pagsapit ng Enero 2019, doblado na ang suweldo ng lahat ng pulis.

Para sa kaalaman ng publiko, noong Enero 2018, ang mga pulis na may ranggong P01 ang unang pinagkalooban ni P-Duterte ng dobla­dong suweldo at 50% lang muna ang dagdag-suweldo sa mga may ranggong P02 hanggang director-general.

Ang masaklap nga lang kahit doblado na ang suweldo ng lahat ng pulis ay may mga scalawag pa rin na nango­ngolekta ng payola bilang protection mo­ney sa raket ng mga iligalista, mga buwisit!

◘◘◘

CIDG-REGION 3 CHIEF ABRAHANO, IPINANGHIHINGI NG PAYOLA NI ‘NOY’ SA RAKET NI ‘KIROS’—Tulad sa Pampanga, isang alyas Noy ang gumagamit sa pangalan ni PNP-CIDG-Region 3 Chief Sr. Supt. Christopher Abrahano para maka­pangolekta ng weekly payola sa puwesto ng color games at drop balls ni “Riki Kiros” sa Bgy. Pulong Maragul, Angeles City.

Mantakin n’yo, im­bes i-raid at dakpin si “Kiros” dahil niraraket nito ang mga residente ng Angeles City, pino­proteksiyunan pa ng nagpapakilalang “bata” ni Sr. Supt. Abrahano.

Sa isyung ito, dapat patunayan ni Sr. Supt. Abrahano sa publiko na wala siyang kinalaman sa payola system sa pamamagitan nang pagpapa-”tokhang” kay “Noy”, pagpapa-raid at pagpapasara sa raket ni “Kiros,” period!

◘◘◘

PNP-REGION 3 C/SUPT. JOEL CO­RO­NEL AT ‘MAJ. DIMA­ANDAL’, GAMIT SA RAKET NINA ‘ADAR­NA’ AT ‘ABDUL’— Heto pa, ang dalawang “tong­pats” collector ng Central Luzon na kilala sa mga alyas Adarna at Abdul ay ginagamit naman ang pangalan ng isang “Maj. Dimaandal” na “bata” raw ng bagong director ng PNP-Region 3 na si C/Supt. Joel Coronel para makapa­ngolekta rin ng payola sa mga iligalista sa rehiyong ito.

Isipin n’yo ang ka­wa­­langhiyaan ng dala­wang “tongpats” collector na ito, ke-bagu-bago pa lang sa puwesto ni C/Supt. Coronel, ipinanghihingi na agad ng payola sa mga mangraraket sa Central Luzon, pwe!

◘◘◘

‘JUN PERES’ AT ‘NICOLAS’, NAG­PA­PA­KILALANG KO­LEKTOR NINA NPD DIRECTOR ANDU­YAN AT DSOU CHIEF BU­NAYOG — Putok ang pangalan nina alyas Jun Peres at Nicolas kasi hindi lang daw isang PNP official kundi dalawang NPD officials ang ginagamit nila para makahirit ng payola sa mga iligalista sa CA­MANAVA (Calo­ocan, Malabon, Navotas at Valenzuela).

Ang katuwiran daw nila, bukod daw ang pa­yola para kay NPD Director Rolando Andu­yan at payola para kay Sr. Insp. Robert Bunayog ng NPD-District Special Operation Unit (DSOU).

Kung walang kinala­man sina C/Supt. An­duyan at Sr. Insp. Bunayog sa “diskarte” nina “Jun Peres” at “Nicolas” dapat ipahuli na agad nila ang dalawang “tongpats” collector na ito, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page