KANINO ANG KORONA NG PSL SA CARGO O BLAZE SPIKERS?


ISANG laro na lang ngayong araw na ito at malalaman na kung sino ang pinakadominanteng team – ang F2 Logistics Cargo Movers ba o ang Petron Blaze Spikers para sa korona ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre.
Ang Game 3 ng dramatikong best-of-three series ay sisimulan ng 7 p.m. kasunod ng sudden-death finals showdown sa pagitan ng UST at UP ng 4 p.m. para sa battle for bronze at sa pagitan ng University of the East at Far Eastern University ng 2 p.m. para sa Collegiate Grand Slam.
Makaraan ang 12 sunod na panalo, nakatiyak ang Blaze Spikers ng final duel sa karibal na Cargo Movers, na ayon sa mga espekulasyon, na ang pagwawagi ng titulo na gagawin nila via sweep ay posible. Nakuha ng Petron ang Game 1, 25-23, 25-11, 25-17, para makahakbang sa korona ng prestigious women’s club league. Pero nabigo sila sa Game 2.
Naglalagablab ang mga mata ng Cargo Movers nang tilarin ang Blaze Spikers sa bisa ng epektibong middle attacks at superb blocking sa second at third sets bago ang kills sa 4th set route tungo sa 21-25, 25-19, 25-20, 25-17 victory.
Sinabi ni F2 Logistics head coach Ramil de Jesus na ang ginintuang oportunidad ay nariyan na kaya dapat na nilang sunggaban ito na humantong sa tagumpay na hindi lang pumatas sa serye kundi maduplika ang kampeonato sa All-Filipino noong 2015. .
“For as long as the opportunity to win comes, we’ll take it,” ani de Jesus na ibabalandra ang kabayanihan ng players upang matiyak na makababawi sila sa Game 1 na pagkatalo.
“I believe in my players. I know they will deliver. After all, we’re not just here to play – we’re here to win the title.”
Sa Game 2, umaapoy ang laro ni Ara Galang nang makatabo ng 17 kills at kabuuang 20 points habang sina Majoy Baron at Cha Behag ay may tig-14 at 13 markers para sa Cargo Movers, na na-master na ang blocking department, 12-4, at service box, 9-2. “I don’t want to think that momentum is on our side. I don’t want my team to be complacent,” ani de Jesus.
Pero tiwala si Petron coach Shaq Delos Santos na aangkinin nila ang korona.
“We’ve been in this situation before,” ani Delos Santos, nang maalala ang pagkatalo sa Cargo Movers sa Grand Prix noong 2017 kung saan mayroon silang 1-0 series deficit at kumulapso sa Games 2 at 3. “We’ve already learned our lesson. We won’t let this golden chance to slip away.”
Idinagdag niya na ang pagwawagi ng titulo ang sila nilang target at makikipagpatayan sila para rito. “We’re still optimistic that we can defend the title,” ani Delos Santos, na ilalarga ang iba pang star players na sina Rhea Dimaculangan, Mika Reyes, Remy Palma, Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Ces Molina at Aiza Maizo-Pontillas.
“This is not yet over. All we have to do is to go back to the drawing board and prepare for Game 3.” (MC/VA)
Laro Ngayon: (FilOil Flying V Centre) 2 p.m. – UE vs FEU: 4 p.m. – UST vs UP: 7 p.m. – F2 Logistics vs Petron





Comments