Kaalaman tungkol sa tamang pag-inom ng antibiotic
- BULGAR

- Dec 20, 2018
- 1 min read
Dear Doc. Shane,
Magandang araw! Naoperahan ako sa appendicitis kaya lang matapos ang ilang araw ay parang nagnanana ang dulo ng aking tahi. Pinipisil ko ito at may lumalabas na nana. Ayos lang ba na uminom ako ng cefalexin antibiotic? — Aj
Sagot
Kung ang sugat ay mayroong nana, ito ay indikasyon na may mikrobyo at nangangailangan ng antibiotic. Subalit, iba’t iba ang antibiotics at maaaring hindi angkop ang cefalexin para sa impeksiyon, pamamaga o nana sa iyong sugat.
Gayunman, ipinapayo natin na magpatingin kayong muli sa doktor na siyang gumawa ng operasyon upang masuri niya ito at maresetahan kayo ng angkop na antibiotics. Kinakailangan itong maagapan para hindi lumala ang impeksiyon.





Comments