Holdaper dedbol sa parak
Levi Gonzales
Dec 20, 2018
1 min read
TODAS ang isang holdaper makaraang makaengkuwentro ang kapulisan sa Bgy. Darasa, Tanauan City, Batangas.
Alas-11:50 ng gabi nang tangayin ng suspek na si Jonathan Cantal, ang wallet ng biktimang si Reynaldo Cular, 46.
Nakahingi ng tulong sa pulisya ang biktima kung saan natunton ang suspek subalit, nagpaputok umano ito kaya nauwi sa engkuwentro na kanyang ikinamatay.
Narekober sa crime scene ang isang baril, cellphone at wallet ng biktima.





Comments