Estudyante pinilit ng sex | PROFESSOR KULONG
- Joy Repol Asis
- Dec 20, 2018
- 1 min read
DALAWANG taon na pagkakakulong ang hatol sa isang propesor sa Nigera matapos guilty sa pamimilit sa kanyang estudyante na makipag-sex kapalit ng mataas na grado.
Unang hinatulan ng not guilty plea si Richard Akindele ngunit, sa pangatlong hearing ay umamin ito.
Ayon sa biktimang si Monica Osagie, pinipilit umano siya ni Akindele ng sexual benefits kapalit ng mataas na grade.
Humirit ng plea bargain ang akusado ngunit, tinanggihan ito ng korte dahil ayon sa federal prosecutors, dapat itong magsilbing-aral sa mga unibersidad.
Sinibak si Akindele sa Obafemi Awolowo University habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Senado ng Nigeria.





Comments