Driver tinodas ng tandem
- Pabs Hernandez III
- Dec 20, 2018
- 1 min read
CEBU—Isang driver ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Basak, Mandaue City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Freddie Canoy, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na nakatayo umano si Canoy nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments