Buking na walang balls… MARCO, NATAKOT NANG KUMALAT ANG EBIDENSIYA NG RELASYON NILA NI JANELLA, BIGL


NAGULANTANG si Marco Gumabao kasunod ng paglabas sa social media ng mga larawan nila ni Janella Salvador na magkasama sa isang resto bar.
Aminado naman ang aktor sa pagkakamali sa pagkaka-upload ng nasabing photo sa kanyang online account.
Nag-sorry si Marco dahil inisip ng mga taong nagde-date sila ni Janella kasunod ng mga nag-leak na photos. A picture paints a thousand words, ‘ika nga.
Kaya’t sa presscon ng Aurora, ikinuwento ng aktor na lumapit at humingi siya ng paumanhin kay Elmo Magalona, ang former love team at rumored ex-boyfriend ni Janella, nu’ng nakaraang Kapamilya Christmas Special na ginanap sa Araneta Coliseum last weekend.
Kung matatandaan, fresh pa ang controversial na hiwalayan at bugbugan issue sa pagitan nina Janella at Elmo nang lumabas ang larawan ng aktres kasama si Marco sa resto bar kung saan diumano’y makikitang masinsinang nag-uusap ang dalawa at tila magka-holding hands pa na nakatago sa ilalim ng mesa.
Sa latest interview ng PEP kay Marco sa Viva Studio sa Quezon City, ipinaliwanag ng aktor kung ano’ng relasyon meron sila ni Janella.
“Well, kami ni Janella, we hang out, we went out, we were both single.
“And nu’ng lumabas ‘yung video or picture, nagulat kami sa reaction ng tao.”
Dahil daw sa matinding reaksiyon ng mga tao, napagkasunduan nila ni Janella na tapusin kung anumang pagkakamabutihan ang namumuo sa kanila.
Pahayag ni Marco, “Pinag-usapan namin na ‘I think it’s best kung anuman ang nangyayari, i-end na natin agad.’
“May picture nga na lumabas. So, parang we talked about it. Sabi namin, ‘Huwag na nating bigyan ng reason ang mga tao para magalit pa.’ So, we are just friends.”
Ikinuwento rin ni Marco na nilapitan at kinausap niya si Elmo para mag-sorry sa taping ng ABS-CBN Christmas Special na ginanap sa Araneta Coliseum ilang araw na ang nakalilipas.
Ang reaksiyon ni Elmo sa pagso-sorry niya, “Sabi niya sa akin, ‘You know what, Marco, I really appreciate you coming up to me. Not most guys would do this na magso-sorry o mag-o-own up sa mistake.’”
Patuloy ni Marco, “Aminado naman ako na nagkamali rin ako because siyempre, du’n nga sa ano [picture] na-mislead ‘yung mga tao into thinking na Janella and I were dating.
“Pero in fact, we’re just friends, going out with a group of friends.
“Kung meron mang medyo nagkaroon ng misunderstanding, I’m sorry for that, and nag-sorry na ako kay Elmo.”
Nilinaw din ni Marco na magkaibigan lang sila ni Janella at wala siyang balak ligawan ito.





Comments