Bagong laya tinodas ng riding-in-tandem
DEDO ang isang lalaki na kalalabas lang sa kulungan matapos maabsuwelto sa kasong murder makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan si Datukan Samad, 42, alyas Lastikman, tubong Pikit, Cotabato City, habang ligtas naman ang kanyang pinsan na si Ismail Ampatuan.
Ayon kay PO1 Roy Zipagan, alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Bgy. 176, Bagong Silang.
Alas-5:00 ng hapon nang sunduin ang biktima ng kanyang pinsan sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City kung saan siya nakulong sa pagkakasangkot sa kasong murder subalit, iniutos ng korte na palabasin ito matapos maabsuwelto.
Habang angkas ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ni Ampatuan nang pagbabarilin si Samad sa ulo at katawan ng mga suspek bago tumakas.
Ipinag-utos na ni Caloocan City Police Deputy Chief for Administration Supt. Ferdie del Rosario ang follow-up investigation sa insidente.





Comments