top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Alamin at pagtuunan ng pansin ang mga estudyanteng may school phobia

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2018
2 min read

HINDI na bago sa ating pandinig ang mga ku­wento ng mga guro na bigla na lamang naba­bawasan ang bilang ng mga estudyante sa klasrum dahil may mga uma-absent, hindi natata­pos ang class hours o mas kilala bilang cutting class, namamalagi sa school clinic at iba pang mga dahilan.

Ngunit, iba ang mga kalagayang ito sa mga batang nakararanas ng takot sa loob ng paaralan na tinatawag na “didaskaleinophobia.” Base sa Oxford English Dictionary, ito ay matinding pagkaramdam ng pag­kabalisa o anxiety sa hindi malamang dahilan tuwing sila ay papasok sa paaralan.

Ayon sa mga school clinic personnel, ilan sa mga sintomas na nararamdaman ng mga bata ay ang pagkatakot sa dilim at sa mga hayop, ini­isip na palagi silang mapapahamak, naka­raramdam ng pagkahilo, nagsusuka, diarrhea, palaging pagod kahit wala namang sakit o kaya ay hindi makatulog.

Ayon sa research ng teacher-counselor na si Leah Davies, M.Ed. na nagtapos ng kanyang Master’s Degree mula sa Department of Coun­seling and Counseling Psychology ng Auburn University sa Amerika, ang school phobia ay hinihinalang dulot ng impluwensiya ng tahanan at paaralan.

Mauunawaan natin ang kilos ng estud­yante at sanhi sa pag-iwas nito sa pag-aaral kung aalamin ang mga isyu sa tahanan tulad ng mga sumusunod:

  • Naninibago sa kasalukuyang sitwasyon ng pamilya tulad ng may sakit na miyembro, pag­lipat ng tirahan, paghihiwalay ng mga magu­lang, pag­kamatay, depresyon o problema sa gastusin.

  • Matagal na pag-absent dahil sa matagal na gamutan ng sakit.

  • Labis na atensiyon ng mga magulang sa bata sa bahay.

  • Pinapayagang manood ng telebisyon, maglaro ng video games o mga laruan sa halip na gawin ang mga assignment.

  • Pag-alarma ng mga magulang sa anak na kapag napalayo sa kanila ang anak ay kapaha­makan ang maidudulot.

  • Nangangambang magkaroon ng gulo, sunog, bagyo o baha sa komunidad.

Sa kabilang banda, ito naman ang ilan sa mga pagsubok nila habang nasa paaralan:

  • Takot na mapintasan, mapahiya, mapagsa­bihan o maparusahan ng guro.

  • Ayaw magbasa nang malakas, kumuha ng test, makakuha ng mababang marka o takot mag-recite sa harap ng buong klase.

  • Nakatatanggap ng banta ng pananakit at na­bibiktima ng peer-bullying.

  • Sensitibo o mahina sa school activities tulad ng pagkanta, paglalaro, kumain sa can­teen at iba pa.

  • Takot mapintasan sa pananamit, taas at tim­bang.

  • Hindi kayang makisalamuha sa iba.

  • Maaaring maibsan ang mga pagsubok na ito batay sa ginagawang pag-alalay at pag-an­ta­bay ng kanilang mga magulang.

Ngunit, kung ang isyu ay patuloy na nagi­ging hadlang sa pag-aaral ng estudyante, kakailanganin na nang masinsinang pagkakaisa at pag-uusap ng mga guro at mga magulang.

Kung ito ay mapababayaan, maaaring tulu­yang maapektuhan ang kanilang pag-aaral at labis ding maaapektuhan ang kanilang pakikisa­lamuha sa mga kaklase at nakatatanda. Kaila­ngan itong maagapan bago pa ito umabot sa malalang adult anxiety, panic attack at psychia­tric disorder.

Mahalagang ipadama ng mga guro at gui­dance counselor ang pagkalinga at pagmamahal sa mga estudyanteng may school phobia. Ala­min at putulin ang anumang nagdudulot ng problema sa kanila at isama sila sa mga organi­sasyon at mga palaro na ka­nilang kagigiliwang gawin na makaaangat ng kani­lang pagtitiwala sa sarili.

Para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral, patuloy sana ang ating pagtutok sa kanilang ka­pakanang pangkalusugan at pang-edukasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page